Larawan ni Kristine Hermosa na naglalaba, pinusuan ng mga netizen!

Muling nagbigay ng good vibes ang photo ng former Hay,Bahay! star na si Kristine Hermosa sa Instagram habang ginagawa ang gawaing-bahay kasama ang anak na si Kaleb Hanns.

Sa Instagram post ng misis ni Oyo Sotto kahapon, June 3, ipinasilip niya ang bonding nila ni Kaleb na nilalabhan ang mga unan nila sa bahay.

Sabi ni Kristine, “My quarantine life..thank you Lord for the strength, grace and determination.. and thank you to this mighty helper of mine by Ate Dre.”

LOOK: Kristine Hermosa’s photos that show she is ageless in her 30s

Umani ang photo ni Kristine ng libo-libong likes at ang iba ay pinuri ang ganda ng celebrity mom na walang kupas.

Ayon sa komento ng netizen na si @dear.allie, “‘Yung ganitong ganda naglalaba ng unan, nahiya ako saakin. Makapaglaba na din nga.”

Kristine Hermosa’s timeless beauty goes viral again