Rhian Ramos, nagkaroon ng mas magandang komunikasyon sa boyfriend ngayong quarantine

Natutunan daw ni Kapuso actress Rhian Ramos ngayong quarantine ang pagpapahaba ng kanyang pasensiya.

Isa raw ito sa mga positibong naidulot ng pamamalagi niya sa bahay sa loob ng dalawang buwan.

“Personally, what’s been good about it is my patience is better now. In the past, I can say good things about my personality but I’m not a patient person,” kuwento ni Rhian sa isang teleconference interview kasama ang ilang piling miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com.

Katuwang ng pasensiyang ito ang mas bumubuti pa niyang relasyon sa non-showbiz boyfriend na si Amit Borsok. Sila kasi ang magkasama ngayong quarantine.

“My boyfriend na I are better with our communication skills also,” ani Rhian.

Pero hindi rin siya exempted sa mga pangamba ngayong may quarantine pa rin sa bansa.

“The negatives are obviously, income is suffering. I haven’t had any sun for a long time. Minsan ‘pag tinitignan ko ‘yung balat ko, feeling ko see-through na siya. Kita ko na ‘yung mga ugat ko sa mukha ‘pag wala nang makeup.

“And just the cabin fever, depression once in a while, but handleable. I’ve been through worse things in my life. I remind myself that any bad thing is kaya,” bahagi niya.

Alamin ang iba pang pinagkakaabalahan ni Rhian ngayong quarantine dito:

Minsan nang inamin ni Rhian na nakahinga siya nang maluwag na sa Pilipinas siya inabutan ng quarantine at hindi sa ibang bansa.

Halos anim na buwan din kasing namalagi si Rhian sa New York noong nakaraan taon para sa isang comedy course.