‘The Gift’ ni Alden Richards, mapapanood sa Ecuador

Sa bansang Ecuador naman mapapanood ang kuwento ng inspiring GMA Telebabad series na The Gift na pinagbidahan ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Mapapanood ito “very soon” sa Ecuadorian free-to-air television network na Ecuavisa.

Tatawagin ito sa titulong Un Don Verdadero na nangangahulugang “a true gift” sa Ingles.

Tampok sa The Gift ang kuwento ng Divisoria vendor na si Sep (Alden Richards).

Mabibigyan siya ng pambihirang kakayanan na makita ang nakaraan at kinabukasan ng isang tao matapos aksidenteng mabulag.

Gagamitin niya ang kakayanang ito para matulungan at mapabuti ang buhay ng mga tao sa kanyan paligid.

Samantala, kasalukuyang din umeera sa Ecuavisa ang hit GMA Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos sa ilalim ng titulong Dulce Venganza.

Noong nakaraang taon, napanood din sa Ecuador ang mga seryeng Onanay at My Special Tatay sa TV network na TC Television.