WATCH: Sasakyang minamaneho ni Ken Chan, nabangga ng van

Nabangga ng isang SUV van ang sasakyang minamaneho ni Kapuso star Ken Chan sa Timog Avenue, kanto ng Panay Street. sa Quezon, City, nitong Miyerkules ng hapon, June 3.

Walang natamong anumang sugat ang aktor ngunit sugatan ang driver ng van at isa pa nitong kasama.

Ayon sa aktor, mabagal langang kanyang pagmamaneho dahil sa traffic at nagulat na lamang siya nang may biglang bumangga sa likuran ng kanyang sasakyan.

Ayon sa pulisya, wala umanong pananagutan si Ken Chan sa insidente dahil siya ang biktima.

Gayundin, Ipinahayag din ng aktor na wala siyang planong magdemanda laban sa driver.

“Hindi pumasok sa isip ko na magsampa ng kaso dahil talagang…ang totoo po niyan, sobrang naaawa ako kay Tatay na nakabangga sa akin.

“Sana maayos ‘yung lagay niya at sana hindi masyadong Malala ‘yung mangyari sa kanya kasi nagtatrabaho din po ‘yung tao,” aniya.

IN PHOTOS: Celebrities who figured in terrible accidents

Panoorin ang buong 24 Oras report:

Ken Chan believes prayer is the most effective shield against COVID-19

Ken Chan sheds tears during his #HealingHearts fundraising concert

Ken Chan says pets are part of his sources of joy amid quarantine