Donna, Sunshine, at Geneva Cruz, nagpasaya online sa kanilang “You’re In Love” collaboration

Nagpasaya ng netizens ang magpipinsang sina Donna Cruz, Sunshine Cruz, at Geneva Cruz nang kantahin nila ang “You’re In Love” na orihinal na kinanta ni Wilson Phillips noong 1991.

Ayon kay Donna, sama-sama talaga silang kumakanta noong mga bata pa sila kaya sanay sila rito.

Sulat niya sa caption ng kanyang post sa Instagram, “Thanks Gen and Shine for inviting me to perform/sing a trio with you.

“Before pa po, sa mga Cruz bands ng mga titos and titas namin, na gabi-gabi po ay may tugtog or gig sa mga hotels sa Manila, kumakanta na po kaming magpipinsan ng may harmony because we all grew up together (halos magkaka age po kami).

“Watching our ates, titos and titas sa mga Cruz bands na ang ganda at sarap pakinggan pag sabay kumanta at may voice blending kaya may influence na po talaga nila sa musika at pag awit.”

Dagdag pa ni Donna, sa susunod na video ay makakasama na nila ang isa pa nilang pinsan at aktres din na si Sheryl Cruz.

Aniya, “Susunod po with Ate Sheryl na naka chat na namin kaya mag prepare na din at excited na! Thanks, Ate @officialsherylcruz!”

: Sheryl Cruz to reunite with cousins Sunshine, Geneva, and Donna Cruz

this post on Instagram

din po ang isa sa mga matagal ko nang gustong mangyari ulit! 🥰 Thanks Gen and Shine for inviting me to perform/sing a trio with you 👸🏻👸🏻! Before pa po, sa mga Cruz bands ng mga titos and titas namin (dad ni Gen po guitarist and singer – Tito Boyet and dad ni Shine po keyboardist, singer and band leader ng 747 band – Tito Danny Cruz 🙏🏼) na gabi-gabi po, may tugtog or gig sa mga hotels sa Manila, kumakanta na po kaming magpipinsan ng may harmony because we all grew up together (halos magkaka age po kami 😊) watching our ates, titos and titas sa mga Cruz bands na ang ganda at sarap pakinggan pag sabay kumanta at may voice blending kaya may influence na po talaga nila sa musika at pag awit. 😊 So ito po, para sa inyong lahat, para sa mga nag request (susunod po with Ate Sheryl na naka chat na namin kaya mag prepare na din at excited na! Thanks, Ate @officialsherylcruz 🥰!), sana po magustuhan niyo. We would also like to thank our guitarist, video editor and producer – Mr. Mark Flores and his fellow talented musicians for making our 🎶 virtual reunion performance possible! 🥰❤️ Guitar/Video Editing/Vocal Mixing: Mark Flores (IG @markflo) Keyboards: Patrick Rivera (IG: @pianistpat Bass: Keisey Hicban (IG @keisey_hicban) Drums: Krister Castro (IG: @kristercastro) Thank you! 🥰❤️ Ang galing niyo!!! 👏🏼👏🏼👏🏼 #ProudToBePinoy 🎶 🎼 🎵🇵🇭 #Cruzinhood #cousinhood @genevacruzofficial @sunshinecruz718 You’re In Love (by Wilson Phillips) 🎶❤️🥰

A post shared by Donna Cruz Y. Larrazabal (@donnacruzylarrazabal) on

Masaya rin si Sunshine sa naging ‘virtual collaboration’ nila dahil hindi nila madalas nakikita ang isa’t isa.

Saad niya sa kanyang Instagram post, “We rarely get to see each other, Donna being based in Cebu while Geneva, though she’s here already, used to live all the way in the US.

“It is such a blessing that even in this way we get together and share the love for one another that we all miss.

“Hoping to share this happiness to everyone! Enjoy!”

this post on Instagram

“You’re In Love” – Wilson Phillips (Cover by: Donna Cruz, Geneva Cruz and Yours truly) We rarely get to see each other, Donna @donnacruzylarrazabal being based in Cebu while Geneva @genevacruzofficial though she’s here already used to live all the way in the US. It is such a blessing that even in this way we get together and share the love for one another that we all miss. Hoping to share this happiness to everyone! Enjoy!!❤️ I would like to thank the kind hearted people that helped us make this possible: Guitar/Video Editing/Vocal Mixing: Mark Flores (@markflo) Keyboards: Patrick Rivera (@pianistpat) Bass: Keisey Hicban (@keisey_hicban) Drums: Krister Castro (@kristercastro) • @arnold_vegafria @alvtalents

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Hiniling naman ng ilang netizens na mag-concert ang magpipinsan kapag natapos na ang pandemic.

Sulat ng isang user, minsan lang mag-collaborate sa isang kanta ang magpipinsan.