Julie Anne San Jose, hinamong mag-rap sina Christian Bautista, Mark Bautista, at Aicelle Santos

Napabilib ang lahat sa solo cover ni Anne San Jose ng OPM rap song na “Bagsakan” ng Parokya ni Edgar at master rapper na si Francis Magalona kasama si Gloc-9.

Pati ang isa sa original artists ng kanta na si Chito Miranda, napahanga kay Julie.

Ani Julie, nakasanayan niya nang i-cover ang part ni Gloc-9 sa “Bagsakan.” “‘Yung isang part po, ‘yung kay Kuya Gloc-9, ‘yun ‘yung usually na kinakanta ko. Ngayon ko pa lang po na-try na gawin siya mag-isa na as in ‘yung full song. Hindi po talaga siya madaling gawin.”

Flattered naman si Julie sa pagpuri ng vocalist na si Chito Miranda sa kaniyang pag-rap.

“Maraming salamat din po kay Kuya Chito Miranda. Nag-message siya sa ‘kin sa Instagram, nakita niya raw ‘yung cover.”

Payo ni Julie sa newbie rappers tulad niya, “Practice practice lang talaga siya, inhale-exhale, ganoon. Memorization, napakaimportante rin po niyan.

Hinahamon naman ni Julie ang kapwa singers niya sa All-Out Sundays na mag-rap din.

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang maka-rap battle, ang sagot ni Julie: “Siguro si Christian Bautista, or Mark Bautista…Ate Aicelle [Santos]…si Rayver [Cruz] puwede rin.”

Thankful din si Julie na maraming nakisali sa TikTok dance challenge ng kanta niyang “Better.”

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras:

: Julie Anne San Jose’s cover of “Bagsakan”

Anne San Jose set to treat fans via #JamWithJulie