Allen Ansay, pinagselos ni Sofia Pablo kay Vince Crisostomo

Na-prank na naman ni Kapuso tween actress Sofia Pablo ang StarStruck Season 7 First Prince na si Allen Ansay sa tulong ng co-star ni Sofia sa Donnas na si Vince Crisostomo.

PHOTOS: Meet GMA’s future leading man, ‘Prima Donnas’ star Vince Crisostomo

Sa latest vlog ng AlFia, hindi pinapansin ni Sofia si Allen dahil magkausap sila ni Vince.

“Magba-vlog talaga kami ni Jolly Boy pero naisip ko bago kami mag-vlog, ipaprank ko si Jolly Boy bilang revenge doon sa prank niya sa akin,” saad ni Sofia.

“Ngayon, ipa-prank natin siya. Pagseselosin ko siya. Kakampi natin si Vince Crisostomo.”

Bago dumating si Allen, nag-usap na sina Sofia at Vince kung paano nila gagawin ang pagpa-prank kay Allen.

Paliwanag ni Sofia, “Malapit na si Allen guys, so bababa ko na to and start na kami ni Vince mag-chat so makikita ni Allen.”

Pagdating ni Allen, hindi siya pinapansin ni Sofia dahil busy ito sa chat nila ni Vince. Umabot na rin sa puntong tinitingnan na ni Allen kung ano ang pinag-uusapan nina Sofia at Vince.

Maniwala kaya si Allen sa prank nina Sofia at Vince? Panoorin ang latest vlog ng AlFia:

Alcantara, may payo kina Sofia Pablo at Allen Ansay

: Sofia Pablo, nilinaw na hindi sila magkasama ni Allen Ansay ngayong quarantine