WATCH: Glaiza de Castro, Chynna Ortaleza, iba pang artista, nagsalita laban sa anti-terrorism bill

Sanib-puwersa ang iba’t ibang celebrities at personalidad sa kanilang pagtutol sa anti-terrorism bill.

Mapapanood sa video na naka-upload sa Voyage Studios Facebook page ang pagsama-sama ng ilang artista upang bigkasin ang ‘The Great Dictator Speech’ ni Charlie Chaplin na isinalin sa Filipino ng manunulat ng pelikula na si Rody Vera.

Kabilang sa video ang Kapuso stars gaya nina de Castro at Ortaleza. Nakilahok din dito ang ilang Kapamilya stars tulad nina Iza Calzado, Kean Cipriano at Enchong Dee.

Maliban sa mga personalidad na napapanood sa TV, nagsalita rin ang ilang artists tulad nina Agot Isidro, Jun Sabayton, Mae Paner, at Gabe Mercado.

Nagtapos ang talumpati sa isang imbitasyong binitawan ni Glaiza.

Aniya, “Mga kababayan, sa ngalan ng demokrasya, magkaisa tayo.”

Panoorin ang kabuuan ng video rito:

Parami nang parami ang mga personalidad na nagsasalita laban sa bagong batas na isinusulong ng kongreso at senado. Ang anti-terrorism bill ay nangangailangan na lamang ng lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maisabatas.

PHOTOS: Celebrities raise concern over controversial Anti-Terror Bill

Marquez defends celebrities for voicing their opinion on anti-terrorism bill

Gray, Pia Wurtzbach, more celebrities speak up against the new anti-terrorism bill